Tagalog Jokes

Isang lasing nakakita ng madre na maitim…bigla nyang sinuntok, tinadyakan, at binalibag..bugbog sarado ang madre. Tapos tumawa ang lasing at sinabi

“Wala ka palang binatbat BATMAN!”

hahhaa

__________

Nagdonate ang lalaki ng dugo sa kanyang gf…nang sila’y magbreak, gusting bawiin ng lalaki ang dugo…ibinato ng babae and napkin at sinabi…

“Ayan! Babayaran kita monthly!...whahaha

__________

Mahirap labanan ang katamaran…

Lalo na pag tinatamad kang labanan ito!

Hehehe

__________

Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya…

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home…)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro: dioniSHA pare…dioniSHA!

Whahahahah

__________

a nestea…


is the best policy…hehehhe

__________

Boy 1: Pare magaling na ako sa spelling!

Boy 2: Sige nga spell mo yung “orange”…

Boy 1: hehehe…nililito mo ko noh?...anong orange bay un? Yung prutas o yung kulay?

Jekjekjek

__________

Mag-syota na di nagkita ng one month…then one day nagkita sila at ang unang tanong ng girl sa boy…..

Girl: “mahal mo pa ba ako?”

Di nakasagot ang boy pero ang ginawa niya…kinuha ng boy ang kamay ng girl sabay itinapat sa kanyang dibdib…at dun napaiyak ang girl…kasi…

May BOOBS na pala ang gaga! Hahaha

__________

Girl: Maghiwalay na lang tayo!

Boy: okay lang…babalikan ko na lang ang ex ko…

Girl: aba! Ang kapal mo talaga! We’re officially break!

(kinabukasan)

Boy: I still love you!

Girl: di ba break na tayo? Babalikan mo pa nga ex mo di ba?

Boy: eto na nga! Binabalikan na ulit kita…hehehe

__________

Pedro: ang sakit tol! Bakit ganun sya? Iniwan niya ako!

Juan: bakit? Saan ba kayo dapat pupunta?

…yan ang kaibigan…minsan tanga…panira ng moment…heheheh

__________

Estudyante: mama bayad hoh!

Drayber: saan galling?

Estudyante: sa akin!

Drayber: (gago to ah) saan papunta?

Estudyante: e di sau! Tanga!

PART 2

Estudyante: mama sukli ko hoh!

(drayber gusting maghiganti…pinigyan nya ng kulang na sukli…)

Estudyante: o manong, bakit kulang to? Magkano ba Quiapo?

Drayber: bakit? Bibilhin moh?

Hahahhaha

__________

Teacher: Use “puera” in a sentence.

Pupil: Mi maestro es muy bonita. (My teacher is beautiful.)

Teacher: That’s very flattering but where’s the word “puera”?

Pupil: Puera gaba!

Hahaha

__________

D strong became weak…

D genius became stupid…

D quiet became talkative…

D conservative became flirty…

And it all happened because of one thing…………………….HUBOG…heheheh

__________

Lalaki at babae aksidenteng nagbanggaan….

Girl: hoy! Tingnan mo nga dinadaanan moh!

Boy: paano ko titingnan ang daanan ko, kung ang aking mga mata’y nakatitig sayo?

Heheheh

__________

Boy: ampalaya ka ba?

Girl: hah? Bakit?

Boy: kasi kahit anong pait ang sinapit ko sayo kaw pa rin ang sustansya ng puso ko…hehehhe

__________

Boy: pag tayo nah, sabay nating haharapin ang mga problema…

Girl: wala naman akong problema eh..

Boy: kasi nga hindi pa tayo..wag ka ngang excited..!hehhe

__________

Magsyotang nag-uusap sa tabing dagat…

Girl: hon, ano zodiac sign moh?

Boy: (nag-isip siya dahil di niya alam) sayo muna hon..

Girl: zodiac sign ko CANCER..

Boy: sa akin GOITER..

HAHA

__________

Tanga 1 : Ano ang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee ? Kanina ka pa silip ng silip diyan .

Tanga 2 : Hinahanap ko yung libreng asukal nakasulat kasi sa karton “ sugar free “

__________

Kapag umiiyak ang baby , I pampers mo ! Kapag umiiyak pa rin , ! Kimbies mo Pag ayaw pa rin tumigil sa pag – iyak Aba’y , I HUGGIES mo na

__________

Teacher : ano ang pambansang hayop ng Pilipinas ? Nagsimula sa letrang K.

Pedro : Kuto?

Teacher : mali , nagtatapos ng letrang “ w” .

Pedro : Kutow.

Teacher: May sungay to....

Pedro : Demonyong kutow

___________

Inday : ma’am , nang naka alis na kayo kanina nakalunok ho ! ng ipis si baby ....

Amo : haaah ?

Inday ; pero huwag na kayong mag alala ma’am pina –inom ko nap o ng BAYGON.

___________

Nanay : anak ano ang natutunan mo sa skul ... ?

Anak : aaa ... pwes , natutuhan ko na lahat ng itinuro mo ay MALI !!!

___________

Ama : anak , kunin mo nga ang walis sa kusina .

Anak : ayoko , natatakot ako

Ama ; wag kang matakot . kasama mo ang iyong GUARDIAN ANGEL !!!

Anak : pwes , ang GUARDIAN ANGEL na lang ang utusan mo !

____________

Babae 1 : alam mo yung kapitbahay naming napaka manyakis .

Babae 2 : a talaga ! bukas na bukas din ipakilala mo ako ha !

Amo : day kung pagbibigyan mo ako at hindi ka magsosombong sa ate mo , tataasan ko suweldo mo.

Inday : hindi man ako maniwala sayo ,sir,kasi yun din ang sabi ni Ate sa driver natin.

____________

Alam mo bang umiiyak ako ngayon At galit na galit ako,kasi dahil SAYO ... SAYO ... SAYOTE lang ang ulam namin... hilaw pa jud..

____________

Konti lang ang cute sa EARTH .. Alam ma ba kung sino sila ? Cute daw yong mga nagbabasa ng text gamit ang left hand ... Huwag mo na ilipat , alam ko nasa kanan yan ...

____________

Isang araw naglalaro tayo sa gubat ... ng bigla kang kinuha ng gorilya ... umiyak ako at sumigaw ... “ KUNIN MO NA RIN AKO “

Sumagot ang gorilya “ BAKIT ANAK RIN BA KITA “ HehehE

___________

Pasyente : Okey ba ang services sa ospital na ito ?

Doctor : Oo naman . sigurado yan .

Pasyente : Paano kung hindi ako satisfied ?

Doctor : ibabalik namin yong' sakit mo!

___________

Anong sabi ng kulangot sa sipon ? – manigas ka !

Anong sabi ng utot sa tae ? – pare , una na ‘ko .

Anong sabi ng tae sa kapwa tae ? – mga tsong , dahan – dahan lang wala namang tulakan.

__________

Friend ko manager ng SMART nagbigay sila ng libreng cell cards worth 300 , bibigyan kita: # # # # # # # # # # # # paki – kiskis na lang ok! He he he

__________

Ang say ng mataba sa payat.....

Payat : Bakit ang taba mo ?

Mataba : Siyempre para pag wala na tayo makain , kayo mamamatay na , kami papapayat lang

__________

Guro : Gamitin ang salitang ITO’Y sa pngungusap.

Pedro : ITO’Y kalabaw .

Guro : Very good . Ikaw Juan.

Juan : ITO’Y paggamay , Iro pagdako .

__________

Boy 1 : Pare , Pare , sabi ng nanay ko , bagay daw kami ng girlfriend ko .

Boy 2 : Bakit mo nasabi yan ?

Boy 1 : Gwapo ako , tapos mayaman siya.

__________

Anak: Nay,bilhan po ninyo ako ng baril, babarilin ko si tatay.

Nanay: Anak! Saan mo natutunan yan? Masama yan.

Anak: Huwag na lang po, espada na lang sasaksakin ko si kuya.

Nanay : Diyos ko anak ! Huwag mo nang uulitin yan . Masama yan at ayoko nang marinig yan . kung anu-ano pa ang sinabi mo diyan .

Anak : Sorry po nay. Manika na lang po.

Nanay: Good ! Yan ang dapat mong ipagbili sa akin.

Anak: Salihan niyo nalang po ng karayom .

Nanay : Bakit?...

Anak : Dahil kukulamin ko kayo.

__________

Anak : Tays! Kains na tayos!

Ama : Gago! Tigilan mo nga kakalagay ng “S” sa salita mo! Ano ba ang ulam natin?

Anak : Inigang na bangu at kamati . Hmmm.....arap ng abaw!

__________

( Bulag at duling naglabanan )

Duling : Ano ka sinuswerte ! Dalawa kayo , tapos isa lang ako .

Bulag : walang taguan!

__________

Mr : Maraming problema . Magpapakamatay ako ! Pupunta ako sa kagubatan . Magpakain ako sa ahas!

Mrs : Bakit magdadala ka nang pagkain?

Mr : Baka matagalan akong kagatin ng ahas . Baka malipasan ako ng gutom !

__________

(Kuba at Kaibigan)

Kuba: Inaapi nila ako sa aking pagka-kuba! Ngayon magsasanay ako ng karate! (Limang buwang nakaraan)

Kaibigan: Oh, tinatawag ka pa ba nila ng kuba?

Kuba: Wala na, Ninja Turtle na!

__________

TRANSLATE IN TAGALOG

Teacher : Translate this. “Have by any twist of fate noticed a drop – dead gorgeous oozing with sex – appeal person passing by?”

Maria: Nakita mo bang AKOng dumaan ?hahahhaha

__________

(Isang bisaya pumunta sa Maynila)

Lalaki: Taxi! Para

Driver: Halika!

Lalaki: Manong, hinto po muna dudumi po muna ako!

Driver: Panaginip mo lang yan!

Lalaki: Sige napo manong dudumi lang po ako saglit lang po!

Driver: Panaginip mo lang yan!

Lalaki: Sige nap o!

Driver: Sinasabing panaginip mo lang yan eh!!!

Lalaki: ahhh!!!! Ganon pala!!

Driver: mmmh!!! Ba’t ang baho? Parang taong dumudumi.

Lalaki: Manong, panaginip mo lang yan!!!

__________

Magkaibigan

Kaibigan 1: Pare, may problema ako sa aming pamilya.

Kaibigan 2: Anong problema mo?

Kaibigan 1: Nag-away kasi ang aking mga magulang. Binasa ng aking ama ang marriage contract nila.

Kaibigan 2: Anong binasa ng iyong ama sa marriage contract?

Kaibigan 1: Hinahanap kasi ng aking ama ang Expiration Date ng kasal nila...

__________

Bath Tub

Dalawang tanod ang naglalakad nang makasalubong nila ang isang pari na may benda ang kamay.

Tanod 1: Padre, anong nangyari sa kamay mo?

Pari: Nadulas kasi ako sa bath tub, nadiin ko ito kaya napilay.

Tanod 1: Bath Tub? Ano yon?

Tanod 2: Malay ko ba. Alam mo namang hindi ako nagsisimba.

__________

Tagalog

Maestra: Class, our lesson for today is Tagalog. Juan, use “ng” in a sentence. Gamitin ang salitang “ng” sa wastong pangungusap.

Juan: Maayong gabii, Nang!!

__________

( Ano ang tawag sa kambing na walang ulo?)

(Eh di , po goat!!!)

__________

Tatlong taong nanonood ng palaro

American 1: Oh, the number 4 is so slow.

American 2: Yes,my idol is so fast !!!

Visaya: Unsay sopas , nagtan-aw ra ganita ug lumbag dagan.

__________

( Anong hayop / isda na makikita sa dagat na kumakain ng pera )

( Eh di , money eat (maniit) )

__________

Nanay : Nak ! Ayusin ma ang kama mo !

Anak : Ayoko . Magugulo lang ulit , kaya bakit ko pa aayusin ? Para lang yang nagmahal ako at nasaktan uli .

Nanay: Char ! Nagdrama ang tapulan.

__________

Guy: So , hindi ka na nagtetelebabad , texter kana ?

Girl : No , goodbye lang ako sa phonepal ko .

Guy : Why ?

Girl : Bad breath , eh .

__________

Guy 1 : Alam mo ba na 50 girls on the campus don’t like to date ?

Guy 2 : How do you know ?

Guy 1 : alam mo namang matiyaga ako , eh !

__________

Manliligaw : Sabihin ma na yung three words para makapaglakad na ako sa hangin !

Babae : Catch a plane .

__________

Eyecare Product

Gusto mo bang magkaroon ng eyecare product ? Kakaiba ito at murang- mura ! Piso lang isa . Eye roll – on ang tawag sa kanya.

__________

Girl 1 : I call my BF , HONEY , mahilig siya sa matamis !

Girl 2 : I call my BF , BOTE .

Girl 1 : Mahilig uminom ?

Girl 2 : Nope , parang bote , may leeg pero walang utak .

__________

Lasing ( takot ) : May multo sa banyo natin !

Wife : Ha ? Bakit ?

Lasing : Kasi bumubukas iyong ilaw ‘pag papasok ako ng banyo.

Wife : Aha ! Ikaw pala umiihi sa ref .

__________

Sweetheart

Lalake 1: Masyado kang mahilig sa mga sweets. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa heart mo pag lagi kang kumakain nyan!

Lalake 2: Oo.

Lalake 1: Aber!?!

Lalake 2: Magkakaroon ako ng “Sweetheart”!

__________

Nagmana sa Ama

Father : Kumusta ang exams ninyo sa eskwela mga anak?

Brother: Mabuti po. Nakakuha po kami ni Dina ng 100%.

Father : Magaling! Nagmana kayo sa talino ko!

Sister : 60% po yung sa akin at 40% naman ho yung kay kuya!

__________

Computer

Amo : Yaya, ilipat mo nga itong comforter doon sa kwarto ko.

Yaya : Opo, ma’am.

(Pagkaroon ng ilang oras…..)

Amo : Yaya, nalipat mo naba ang comforter doon sa kwarto ko?

Yaya : Opo, ma’am. Nalipat ko napo ang comforter pati na ang CFU at Frinter.

__________

Lakas ng Hangin

May tatlong lalaki na nagpapayabangan.

Lalake 1 : Grabe ang lakas ng hangin sa probinsya namin. Minsan naglakad yung nanay ko…..sa sobrang lakas ng hangin, yung palda nya natanggal!

Lalake 2 : Wala yan sa hangin dun sa amin. Nang minsang humangin ng malakas, yung bubong namin natanggal!

Lalake 3 : Grabe naman sa hina ang hangin sa inyo! Sa amin, mas malakas!

Lalake 1 & 2: Owssss, paano mo naman nasabi?

Lalake 3 : Kasi sa amin, minsan nang humangin…..sa sobrang lakas, yung baka namin namatay!

Lalake 1 & 2: Paano naman namatay?

Lalake 3 : E, nung ngumiti, eh, natangay ng hangin yung buo nyang balat!

__________

Doktor, Doktor

Dalawang Doktor ang nag-uusap sa loob ng isang klinika.

Unang Doktor: Dok, pwede bang gamutin ninyo ako?

Ikalawang Doktor: Pwede, bakit ano ba ang nararamdaman mo?

Unang Doktor: Kasi tuwing hapon, palagi akong nahihilo.

Ikalawang Doktor: Bakit, ano bang trabaho mo?

Unang Doktor: Eh, Doktor rin ho!

Ikalawang Doktor: O, Doktor ka rin pala eh, bakit hindi mo gamutin ang sarili mo?

Unang Doktor: Kasi, Dok, mataas ako kung sumingil, eh!

__________

Sabi Daw

Isang araw, patakbong umuwi sa kanilang bahay ang umiiyak na bata at nagsumbong ito sa kanyang mga magulang.

Anak : Nay!!! Tay!!! Sabi daw po ng mga kalaro ko na ang pamilya daw natin ay malalaki ang bunganga! Huhuhu…

Nanay : Huwag kang maniwala sa kanila anak….. hayaan mo na lang sila.

Anak : Totoo po ba ‘yon, Tay?

Tatay : Huwag mo na lang silang pansinin, anak. Hala sige….kunin mo nga ‘yung pala at kakain na tayo!

__________

Ulingag

Nag-away ang dalawang tanga…..

Benjie: Ano ba ang gusto mo, away o gulo?

Peter : Away na lang para walang gulo!!!

__________

Operasyon

Sa isang ospital…..pagkatapos ng operasyon…..

Pasyente : Dok, bakit ganito ang operasyon sa ulo? Halos kita na ang utak ko?

Doktor : Okey ‘yan. At least, open-minded kana ngayon.

__________

Teacher : O, bakit kana late?

Estudyante: Nawalan po kasi ng P500 yung lalake.

Teacher : Tinulungan mo ba siyang maghanap?

Estudyante: Hindi po. Tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

__________

Sa Probinsya

Bata : Tatang, naiinom po ba ang tubig dito?

Matanda: Nasa sa ‘yo yan kung kakainin mo.

__________

Anak : Tay, may White Lady daw po sa kusina, sabi ni Ate.

Itay : Naku, wag kang maniwala sa ate mo.

Itay : Halika! Samahan mo ako sa kusina. Iinom lang ako ng tubig.

_________

Isang Pinagbintangan


Judge : Hinawakan mo ba ang hita ng babaeng ito?

Suspek: Hini, po; Hini, po; (Hindi po) your honor.

Judge : Pilosopo! Hinawakan o hinipo…..pareho lang ‘yon!
Guilty!!!

__________

Lalake : Kumusta na ang tindahan?
Ang tubaan?
Ang dalawang bata?

Asawa : Supermarket na.
Beerhouse na.
Anim na.

__________

Babae : Tama na yang beer mo. Ang gastos!

Lalake: Ikaw, make-up mo ang gastos!

Babae: Nagpapaganda ako para di kana uminom!

Lalake: Umiinom ako para gumanda ka naman!!!!

__________

Dalawang probinsyano sumakay sa elevator.

Una : Magkano kaya ang ibabayad natin?

Ikalawa: Bobo! Bakit ka magbabayad, eh, wala pa ang konduktor!

__________

Ten….9,8,7,6,5,4….!!!

Doktor: Sorry, may taning na ang buhay mo at hindi kana magtatagal. Marahil mga ten….

Pasyente: Ten years, ten months, ten days?

Doktor: 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3…..!!

__________

Batang Pilyo…..!!!

Anak : Inay, tinuruan po kami sa skul ng magandang asal!

Inay : Talaga! Eh, marunong kanang mag-po at opo?

Anak : Natural! Tanga ka ba?

__________

P50….Na Naging P5.00

Anak : Nay, pahingi ng P50.00

Inay : P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo madaling kumita ng P10? O, itong P5.00!

__________

Maalahanin na criminal (sa kanyang biktima)……

Unang Magnanakaw: Pare, sigurado ka bang ditto dadaan ang papatayin natin?

Pangalawang Magnanakaw: Oo. Nagtataka nga ako, isang oras na tayo ditto wala pa rin sya! Sana……........ay…….......sana naman.. walang nangyaring masama sa kanya!

Unang Magnanakaw: Ngeeeh!

_________

Estudyante: Hindi ko pa nagawa ang assignment ko dahil nagkaroon ako ng memory loss.

Teacher: Oh, talaga? Kailan pa ito nagsimula?

Estudyante: Kailan nagsimula ang ano?

__________

Unang Estudyante: ‘Yung teacher namin mahilig magsalita mag-isa. Teacher nyo ba ganoon din?

Ikalawang Estudyante: Oo naman no! Pero hindi pa niya narerialize na hindi kami nakikinig!

__________

Unang Misis : Huhuhu! Namatay ang anak ko sa pag-inom ng gatas.

Ikalawang Misis: Nalason ba?

Unang Misis: Hindi. Huhuhu….. Naupuan ng baka!

__________

Q. Ano ang nasa harapan ng isang woman at nasa likuran ng isang araw?

A. Ang letter W!

__________

Tuwing may kinasal, tinukso ako ni lola,

“Uuy, sya na susunod!!!

Tumigil lang sya, nung may dumaang ililibing. Tinukso ko din sya,

“Uuy, sya na susunod..!!

Hehehe, galit na galit si lola!

__________

Effective way in courting…

Sabi ni Boy kay Girl..

“May dalawang choice ka lang na pwedeng pag-pilian…

Sasagutin mo ako or Girlfriend na kita?””

Hahaha

__________

Girl ride on taxi NAKED.
Girl: Taxi, taxi…
Driver: Asan tayo mam?
Girl: wag ka mag tawag mam naka hubad ako.
Driver: Sorry!
Girl: Bakit ka naka tingin sa katawan ko?
Driver: Asan mo nilagay ang pambayad mo?

__________

Salawikain ng College students:

1) Aanhin mo ang uno kung singko na ang uso.
2) It’s better to cheat than to repeat.
3) No need to review, kodigo will do.
4) Aanhin mo pa ang libro, kung scholar ang katabi mo.
5) Ang di marunong lumingon sa exam, bagsak malamang.
-hehehehe-

__________

Genie: bibigyan kita ng isang kahilingan..
Aling Dionesia: talaga? Gusto kong Gumanda!
Genie: Buksan mo ang bote..
Aling Dionesia: at gaganda na ako?
Genie: Hindi, babalik nalang ako sa bote.
.hahaha!

__________

Girl: Pangit ba ako?

Boy: Walang ginawang pangit ang Diyos.. Ewan ko kung diyos yung gumawa sayo..
.hahahahaha.

__________

Biglang kumidlat, Anong gagawin mo?

Genius: “takip tenga, kukulog eh”.

Playboy: “yakap shota, score eh”.

Astig: “wala lang, matapang eh”.

Bob: “ ngingite, picture taking eh”!!

__________

Boy: “Matalino ka diba? Ba’t di mo ako kayang sagutin?”

Girl: “Kasi nga matalino ako at alam ko'ng di ikaw ang sagot!
..hahahahaha..

__________

Interviewer: Question: “Ano gagawin mo kung gumising ka na may katabi na 1 million pesos?

Amerikano: “Go on a world tour”
Hapon: “ Put up a hotel”
Pinoy: tulog uli para maging 2 million!
Hya naku, Pilipino talaga!

__________

Nanay: Ang lakas mong kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!

Anak: “Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga anak mo, ako o yong baboy?”

__________

A mom called his son..

Pauwi ka na ba? Saan ka na?

Son: Andito po ako sa hospital.

His mom cried, “Anong nangyari say o?

Son: Ma, ano ba! Nurse kaya ako!
Hehehehe

__________

Girl: Gusto mo i.bloodtest kita?

Boy: Para Saan? Bakit medtech ka ba?

Girl: Hhmm, hindi, titingnan ko lang kung type mo ba ako!!

__________

JOKE! JOKE! JOKE! MORE JOKES NEXT TIME!!!